-- Advertisements --
Magkakaroon ng magandang epekto sa mga investors ang ginawang pagbabab ng gobyerno ng kanilang growth target ngayong taon.
Ayon kay Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Frederick Go, na maikokonsiderang upgrade ito sa mula sa performance ng Philippine economy noong 2023.
Una rito ay binawasan ng Development Budget and Coordination Committee (DBCC) ang target gross domestic product growth rate mula sa 6.5 to 7.5 percent outlook ay ginawa na itong 6-7 percent.
Noong 2023 aniya ay nagtala ng economic growth ng 5.6 percent kaya ang 6 percent na target ngayong taon ay isang maituturing na improvement.