Inaasahan na patuloy pa rin na makakapagtala ng higit 3,000 aktibong kaso ng COVID-19 kada araw dahil sa mabagal na pagbaba ng infection rate sa Metro Manila.
Ayon sa OCTA Research group fellow Dr. Guido David, base sa kasalukuyang pattern ng COVID-19, makikita pa ang downward trend ng cases sa unang linggo o kaya naman ay sa ikalawang linggo ng Setyembre.
Kung susundin ang naturang projections, posibleng bababa ng 3,000 ang active COVID-19 cases sa katapusan pa ng Setyembre.
Saad pa ni Dr. David na kahit na bumagal ang pagbaba ng reproduction number o bilang ng nahahawaan ng COVID-19, nakikitaan pa rin ang Metro Manila ng pagbaba sa bilang ng covid19 cases sa ikalawang linggo ng Setyembre at bababa ng nasa 4,000 ang COVID-9 cases per day sa katapusan ng Setyembre.
Bagamat mataas pa rin ito ay mananatili namang manageable dahil ang trend ng COVID-19 cases ay nasa downtrend na.
Dagdag na paliwanag ni David na mas mabagal ang reproduction number na naitala sa kasalukuyan kumpara noong Marso nang isinailalim sa ECQ ang Metro Manila. (with reports frombo Everly Rico)