-- Advertisements --

Inalis na ng Pagasa ang tropical cyclone wind signal number two (2) sa mga lugar na apektado ng bagyong Bising.

Pero nananatili naman sa ilalim ng signal number one (1) ang Batanes, Cagayan kasama ang Babuyan Islands, eastern portion ng Apayao, eastern portion ng Kalinga, eastern portion ng Isabela at northeastern portion ng Quirino, northern portion ng Aurora.

Huling namataan ang sentro ng sama ng panahon sa layong 360 km sa silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

Kumikilos ito nang pahilagang kanluran sa bilis na 10 kph.

Taglay pa rin ng bagyong Bising ang lakas ng hangin na 175 kph at may pagbugsong 215 kph.