-- Advertisements --

Pinapurihan ni Philippine Economic Zone Authority (PEZA) Director General Charito “Ching” Plaza ang ginawang hakbang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na pagbasura sa panukalang Bulacan Airport City Special Economic Zone and Freeport Authority (BACSEZFA) sa ilalim ng House Bill (HB) No. 7575.

Kung maalala ang pag-veto ni Marcos sa panukala ay kabilang sa kanyang mga naging unang mga aksiyon nang umupo sa puwesto noong nakalipas na Biyernes.

bbm 1

Ayon kay Plaza, isa umano itong “wise decision” sa parte ng presidente.

“It is a wise decision of President BBM, because while there are two ways of declaring ecozones, first by legislation, the second one by way of registering the proposed ecozone with PEZA is the best and pragmatic way,” ani Plaza.

Ang Philippine Economic Zone Authority ang siyang namamahala sa mga ecozone at mga bagong special economic zones sa bansa.

-- Advertisement --

Ayon kay Usec. Plaza kabilang din sana sa naging hakbang ng Bulacan Airport City Special Economic Zone and Freeport Authority ay inirehistro ito sa kanila.

Tinukoy naman ng opisyal na sa kanilang legal opinion na ang pagtatayo ng mga bagong economic zones kung tutuusin ay hindi na kinakailangan pa ang pagpasa ng batas sa Kongreso kundi kailangan lamang ang presidential proclamation matapos ang pag-apruba ng PEZA board.

Ilang mga senador ang ikinalungkot ang pag-veto ng pangulo sa naturang panukala kabilang na si Sen. Imee Marcos na author din sa proposed bill.