-- Advertisements --

Ikinatuwa ng Philippine Rural Electric Cooperatives Association, Inc. (PHILRECA) ang pag-veto ni President Ferdinand Marcos Jr. sa House Bill No. 10554 na may layong i-expand ang franchise area ng Aboitiz-owned na Davao Light and Power Company (DLPC) sa Davao del Norte.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Atty. Janeene Depay-Colingan, Executive Director at General Manager sang Philreca, sinabi nito na may existing pa na prangkisa ang North Davao Electric Cooperative Inc. (NORDECO) sa area na tatagal pa hanggang 2028 at 2033.

Ayon kay Colingan, naunawaan ng presidente na kung i-repeal ang prangkisa ng Nordeco sa areas na papasukin ng DLPC, ma-violate nito ang nonimpairment clause sa ilalim ng Section 10, Article III ng 1987 Constitution.

Ma-violate rin umano ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) Law kung saan nakasaad na dapat mabigyan ng full term ang lahat ng existing franchises.