-- Advertisements --

Umaasa ngayon ang pamunuan ng University of the Philippines (UP) at Department of National Defense (DND) na magkakaroon ng mas magandang ugnayang ang UP at DND kasunod ng mabungang resulta ng kanilang dayologo ngayong araw.

Kasunod na rin ito ng pagbasura ng pamahalaan sa UP-DND accord noong nakaraang buwan.

Sinabi ni DND Spokesperson Arsenio Andolong sa isang statement na sa isinagawang dayalogo kasama si UP President Danilo Concepcion at Commission on Higher Education (ChEd) Chief Prospero de Vera ay naging positibo raw ang development ng pag-uusap.

Dahil dito, umaasa ang DND na mas lalakas pa ang kanilang collaboration sa iba pang academic institutions sa buong kapuluan.

Kasabay nito, tiwala rin ang DND na magiging bukas ang mga taga-UP na makipagtrabaho sa DND para siguruhing wala nang mga kabataan ang magiging biktima ng recruitment ng New People’s Army (NPA) at maging ng lawlessness at destructions.

Napagkasunduan din umano nina Defense Secretary Delfin Lorenzana at UP President Danilo Concepcion na ipagpapatuloy ang mga isasagawang dayalogo para sa academic freedom at ang termination ng accord na nagbabawal sa pagpasok ng mga pulis at militar sa UP campuses.

Una rito, sinabi ng DND, ChEd at UP na sa naturang dayalogo, nabigyan ng oportunidad ang key leaders para pag-usapan ang mga posibleng areas of cooperation kung papaano maipo-promote ng magkabilang partido ang kanilang hangad na magkaroon ng paaralang ligtas at kaaya-aya para sa mga estudyante.

Kung maalala, Enero 15 ngayong taon nag i-terminate ng pamahalaan ang 1989 DND-UP accord dahil ang naturang kasunduan daw ay luma na.