-- Advertisements --

Nais daw ni Senator Francis Tolentino na dating chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magkaroon ng update sa earthquake contingency plan para sa National Capital Region (NCR) dahil sa mga imprastraktura dito.

Aniya, mayroon namang nasimulan na Oplan Metro Yakal at nagkaroon na rin ng serye ng earthquake drill pero matagal na raw ito.

Paliwanag pa ng senador, dumarami na rin daw kasi ang mga imprastraktura sa Metro Manila lalo na sa Bonifacio Global City at Eastwood maging sa bahagi ng malaking mall sa Pasay City, particularly in Bonifacio Global City, Eastwood and the Mall of Asia area.)

Ipinanukala rin ni Tolentino ang pagkakaroon ng dalawang evacuation areas sa Metro Manila bilang paghahanda kung may tumama mang malakas na lindol.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority, ang Oplan Metro Yakal Plus ay isang Metro Manila Disaster Risk Reduction Management Council response tool base na rin sa 7.2 magnitude movement ng West Valley Fault na mayroong Intensity VIII ground shaking.

Layon nitong ma-institutionalize ang pagiging epektibo at ang efficient system ng earthquake disaster preparedness at response ng Metro Manila Disaster Risk Reduction Management Council members at partners sa pamamagitan ng pagkilala sa kanilang mga papel at responsibilidad base na rin sa mga set ng actions na kailangang maisagawa bago pa man tumama ang malakas na lindol.

Isa rin sa nais ni Senator Tolentino ay ang maamiyendahan ang National Building Code sa pamamagitan ng pag-require sa mga gusali na mag-install ng telecommunication infrastructure na magagamit sa mga emergency situations.