-- Advertisements --

Malaking tulong ang naidulot ng muling pag-ulan sa Silangang bahagi ng Australia na umapula sa 20-60 sunog na nararanasan ng New South Wales simula noong nakaraang taon.

Ikinatuwa ng lahat ang malakas na buhos ng ulan sa bansa ngunit hindi pa rin isinasantabi ng mga otoridad ang posibilidad ng pagbaha at flashflood sa bansa.

Batay sa Bureau of Meteorology, karamihan sa mga naapektuhang lugar ay nakaranas na rin ng pag-ulan.

Ayon kay New South Wales Rural Fire Services (RFS) Commissioner Shane Fitzsimmons, magiging maganda ang epekto ng ulan sa mga nasirang negosyo at bukid dahil sa wildfire.

Tinatayang naapektuhan ang nasa 11.7 milyong ektarya ng gubat sa Australia ang nasira dahil sa sunog na nagsimula noong Setyember at umabot naman sa 33 ang nasawi.

Milyon-milyong hayop din na nakatira sa kagubatan ang nawalan ng tahanan.