-- Advertisements --

KALIBO, Aklan — Kahit may ipinapatupad na liquor ban sa buong lalawigan ng Aklan, pinapayagan na sa Boracay ang pag-serve ng alak sa mga in-house guest ng Department of Tourism (DOT) accredited hotel and resort sa isla.

Ayon kay Malay Mayor Frolibar Bautista na batay ito sa ipinalabas na Executive Order ni Aklan Governor Florencio Miraflores matapos isailalim ang lalawigan sa General Community Quarantine (GCQ) classification.

Mahigpit umanong ipinapatupad ang minimum health protocols sa Boracay at pinapayagan lamang ang pag-serve ng alak sa loob mismo ng establisimento.

Sa kabilang daku, patuloy ang pagtaas ng tourist arrival sa isla na karamihan ay nagmula sa National Capital Region (NCR).

Sa kasalukuyan, naka-tutok ang lokal na pamahalaan sa vaccination rollout para sa mga tourism workers ng Boracay.