-- Advertisements --

Kumpletong dadalo ang lahat ng 11 lider ng Association of Southeast Asian Nations sa 48th ASEAN Leaders’ Summit and related meetings sa Cebu.

Kinumpirma ni ASEAN 2026 Spokesperson Dominic Xavier Imperial na nakatakdang dumalo ang mga pinuno ng mga kasaping bansa sa summit sa Biyernes, Mayo 8.

Gayunman, ang Myanmar ay kakatawanin ng kanilang Permanent Secretary of Foreign Affairs alinsunod sa naging desisyon ng mga lider dahil sa patuloy na sitwasyon sa kanilang bansa.

Ayon kay Imperial, malaki ang natipid ng pamahalaan matapos ilipat sa virtual ang ilang pagpupulong at paikliin sa dalawang araw ang summit mula sa karaniwang isang linggo.

Samantala, kabilang sa mga pangunahing tatalakayin ang disaster resiliency upang mapalakas ang koordinasyon ng ASEAN countries sa pagtugon sa kalamidad.

Tututukan din ang energy security, kasabay ng epekto ng mataas na presyo ng langis sa rehiyon dulot ng umiiral na tensyon sa Gitnang Silangan.