-- Advertisements --
Nagkaroon ng tensiyon sa pamamahagi ng mga balikbayan box sa warehouse sa Balagtas, Bulacan.
Ito ay matapos ang isang buwang pagkaka-delay sa delivery ng mga shipment mula sa Middle East.
Ayon sa warehose na inooperate ng FR Agbay, hindi raw sila pinayagan ni Director Michael Fermin ng Bureau of Customs (BoC) na i-release ang mga balikbayan boxes.
Ang libo-libong balikbayan boxes mula sa Middle East ay inabandona na ng mga foreign courier services sa BoC.