Nagbabala ang Commission on Elections sa mga kandidato sa BSKE 2023 na mag-momonitor na ang komisyon sa kanilang mga social media account.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, ang mga kandidato ay pinagbabawalang i-promote ang kanilang sarili, kasama na ang kanilang plataporma hanggat hindi pa nagsisimula ang campaign period.
Pagtitiyak ng COMELEC Chair na haharap ang sinumang mahuhuli dito, sa mga kaukulang batas na kinabibilangan ng premature campainging
Inihalimbawa ng opisyal ang Section 80 ng Omnibus Election Code, na nagbabawal sa mga election campaign o partisan political activity na gawin bago ang nakatakdang campaign period.
Kabilang sa mga titingnan aniya ay ang pag-post ng mga plataporma, at iba pang social activities na may kaugnayan sa halalan.
Sa ilalim ng Calendar of activities ng COMELEC, bawal ang pangangampanya mula setembre-3 hanggang Oktubre-18.
Papayagan lamang ito, mapa personal man o sa pamamagitan ng internet, pagsapit ng Oktubre-19.
Magtatagal naman ito hanggang Oktubre-28, isang araw bago ang mismong halalan.