-- Advertisements --
Hinati kada grupo ang gagawing repatriation ng gobyerno sa mga overseas Filipino workers (OFW) na naiipit sa kaguluhan sa Sudan.
Ayon kay Department of MIgrant Workers (DMW) Secretary Susan Ople, na hahatiin nila by batch ang pagpapauwi ng nasa 340 na OFW.
Ngayon araw ay aasahan ang pagdating ng 80 OFW na lulan ng Saudi Airlines habang sa Mayo 4 ay mayroong dagdag naman na 72.
Makakasama nilang uuwi sa bansa si Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Arnell Ignacio.
Pinasalamatan ni Ople ang gobyerno at ilang mga private companies na tumulong para sa agarang pagpapalikas ng mga OFW na nasa Sudan.