Isinusulong ni Bagong Henerasyon party-list Rep. Bernadette Herrera-Dy na obligahin ang lahat ng mga pampublikong sasakyan na magkaroon ng standard safety equipment bago payagang makabiyahe.

Sa ilalim ng inihain niyang House Bill 3341, gagawing mandato sa mga pampublikong sasakyan tulad na magkaroon ng dashboard camera, closed circuit television (CCTV), at global positioning system (GPS).

Ito ay para na rin aniya mabawasan ang bilang ng mga krimen na nangyayari sa mga public utility vehicles.

“There are far too many incidents of crimes in our public utility vehicles. Almost every day, we hear of varioys cases of theft and violent robberies in jeepneys, buses and taxis. Other incidents involve kidnapping, rape and murder of innocent riders, sexual harassment and sexual assault, among others,” saad ng kongresista.

Hangad aniya ng panukala niyang ito na gawing ligtas at maasahan ang public transport system sa bansa sapagkat maaring magamit ang mga dashboard cameras, CCTV at GPS sa pag-document ng mga pangyayari, insidente o aksidente na mangyari sa kalsada.

Kaya naman isang special loaning program ang maaring itatag para matulungan ang mga public transport operators at kompanya sa pagbili ng mga nabanggit na equipment at devices.