-- Advertisements --

Binigyan diin ngayon ng Food and Drugs Administration (FDA) na kailangan ng reseta mula sa doktor ang paggamit ng glutathione, na kadalasang ginagamit na pampaputi ng balat.

Sinabi ni Katherine Lock, officer-in-charge Center for Drug Regulation and Research ng FDA, na ang glutathione ay hindi nakarehistro bilang isang skin-lightening product kundi isang gamot sa sakit.

Iginiit ni Lock na kung walang sakit ang isang indibidwal, hindi raw ito dapat gumagamit ng glutathione.

Kaya kailangan aniya na mayroon munang reseta mula sa doktor bago gumamit nito, lalo na kung ito ay sa pamamagitan ng mga drips o ang tinatawag na mga injectable.

Nauna nang nagbabala ang FDA sa publiko hinggil sa “toxic side effects” sa liver, kidney, at nervous system nang paggamit ng glutathione.