-- Advertisements --

Ang April Fools’ Day tuwing Abril 1 ay araw kung saan nilalabas ng marami ang kanilang pagiging creative para magpatawa o magbiro sa paraang nakakaaliw.

Pero paano nga ba ito nagsimula at saan nga ba ito nag-ugat?

Wala pang tiyak na sagot ang mga historian. Pero isang teorya ang nagsasabing noong unang panahon, Abril 1 ang simula ng bagong taon gamit ang Julian calendar na binuo ni Julius Caesar.

Nang ipakilala ni Pope Gregory VIII ang Gregorian calendar, nailipat ang bagong taon sa Enero 1.

Ang mga nahuli o hindi nakasabay sa pagbabagong ito ay tinaguriang “fools.”

Isa pang teorya ay mula sa aklat na “The Canterbury Tales” ni Geoffrey Chaucer noong 1392, kung saan binanggit ang “March 32.”

Hindi malinaw ang kahulugan nito, kaya’t itinuring ito ng ilan bilang biro na nagbigay simula sa tradisyon.

Kahit paano nagsimula, ang April Fools’ Day ay patuloy na nagbibigay saya at pagkamalikhain sa unang bahagi ng ika-apat na buwan.

Siguraduhing ligtas at masaya ang iyong mga biro!

Sa panig naman ng mga otoridad, pinag-iingat ng pulisya ang lahat dahil posibleng samantalahin ng mga scammer ang April Fools Day fever.

Narito ang payo ng Anti-Cybercrime Group hinggil sa mga tamang pag-iingat.

1. Huwag agad magtiwala sa mga email, text, o tawag na may “too good to be true” na alok o urgent na mensahe. Karaniwang ginagamit ito ng mga scammer upang makuha ang iyong personal na impormasyon.

2. Suriin ang mga link at attachment bago mag-click. Ang mga phishing email ay maaaring magmukhang lehitimo ngunit naglalaman ng mapanlinlang na mga link.

3. Mag-ingat sa social media posts na may sensational o emotional na headlines. Maaaring ito ay clickbait na naglalaman ng malware.

4. Huwag magbigay ng sensitibong impormasyon tulad ng password o credit card details sa mga hindi kilalang tao o organisasyon.