Plano ngayon ng Pag-ibig fund na taasan ang contribution rates ng mga miyembro nito.

Kasunod ito ng patuloy ang pagdami ng bilang ng mga kumukuha ng housing at ibang uri ng loans mula sa kanilang miyembro.

Pres. CEO Acmad Moti

Sinabi ni Pag-ibig fund president and CEO Acmad Moti, kung maaprubahan ng board ay magiging P150 hanggang P200 ang kontribusyon mula sa dating P100.

Kapag tumaas ang nasabing member contribution ay nangangahulugan na tataas ang saving, take-out loan at retirement benefits.