-- Advertisements --

Pinalawig pa ng Home Development Mutual Fund o PAG-IBIG fund ang kanilang serbisyo sa mga delivery riders.

Ayon sa nasabing ahensiya na mayroon na silang kasunduan sa ilang mga tranport network at mga ride hailing apps para makinabang sila sa kanilang mga serbisyo.

Sa kasalukuyan ay mayroong 13,128 na mga delivery drivers at riders ang kanilang naiparehistro.

Dahil dito ay kasama na sila na maaring makinabang mga benepisyo gaya ng regular at MP2 Savings, short-term cash loans, affordable home loans at PAG-IBIG loyalty Card Plus.