Naniniwala ang mga abogado ng drug war victims na ang pag-hire ng International Criminal Court (IICC) ng mga Filipino at Cebuano translators ay nangangahulugan umano ng pagsulong o pagkilos sa sunod na yugto ng isinasagawang imbestigasyon nito kaugnay sa extrajudicial killings sa war on drugs ng nakalipas na Duterte administration.
Base kasi sa job posting sa European career opportunity websites, naghahanap ang Office of the Prosecutors ng ICC na nakabase sa The Hague, The Netherlands ng mga aplikanteng mahusay mag-tagalog at magsalita ng Cebuano para maging freelance translators sa Language Services Unit nito sa Integrated Services Division.
Ang job offer na ito ay makikita sa 2 job search websites na SuccessFactors at Impactpool.
Ang Filipino nga ay ang pambansang lenggwahe ng Pilipinas habang ang Cebuano naman ay isa sa diyalekto na malawakang ginagamit sa Visayas at Mindanao kabilang na sa Davao kung saan namuno ang pamilya Duterte bilang local executives sa loob ng ilang dekada.
Ayon kay Kristina Conti ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) na tumatayo ding ICC assistant to councel sa drug war investigation, ang pagsisikap ng ICC na makakuha ng mga translator lalo na ang mga nagtratrabaho sa nasabing field ay consistent sa scope ng imbestigasyon nito mula November 2011 sa Davao at mula July 2016 sa buong bansa.
Nabuhayan din aniya ang kanilang loob sa pagsisikap ng ICC na direktang madinig ang panig ng pamilya ng mga biktima ng drug war.
Ang hiring din ng transtors ay nagpapahiwatig na ang magtutungo ang mga imbestigador ng ICC sa bansa para kapanayamin ang mga biktima at pamilya ng mga pinatay at iba pang mga testio kaugnay sa libu-libong nasawi sa ilalim umano ng pamumuno ni dating pang. Rodrigo Dutete bilang alkalde ng Davao city at bilang pangulo ng Pilipinas.
Sinabi naman ni NUPL president Neri Colmenares na malakas na aniya ang posibilidad na mausig ang dating pangulo sa ICC.
Matatandaan, base sa datos mula sa pamahalaan, mahigit 6000 katao ang napatay sa kasagsagan ng kampaniya kontra iligal na droga ng Duterte adminsitration na pinaniniwalaang mas mataas pa dito ang aktwal na bilang ng nasawi na nasa mahigit 20,000.