-- Advertisements --

Suportado ng House committee on energy ang rekomendasyon ng Department of Energy (DOE) na amiyendahan ang Republic Act 8479 o Oil Deregulation Law dulot na rin ng serye ng oil price hike.

Pagtitiyak ito ng chairman ng komite na si Pampanga Rep. Mikey Arroyo matapos na sumulat si Energey Secretary Alfonso Cusi sa Kongreso para hilingin na araling ang posibleng pag-amiyenda sa Oil Deregulation Law.

Bukod dito, hiniling din ng kalihim ang unbundling sa halaga ng retail products upang matukoy ang totoong presyo at pass-on cost.

Binalaan naman ni Arroyo ang mga oil companies na hindi maaaring gamitin ang naturang batas upang samantalahin ang mga consumers.

Ayon sa kongresista, panahon na upang buksan ang mga libro ng oil companies upang makita kung may pangaabusong ginagawa ang mga ito sa publiko sa gitna ng health crisis.  

-- Advertisement --