-- Advertisements --
image 384

MOSCOW, Russia – Muling binigyang diin ni Yevgeny Prigozhin, pinuno ng mersenaryong grupo ng Wagner, na nagsinungaling ang Russia sa publiko ukol sa rason sa kanilang pagsalakay sa Ukrain, partikular na sa Kyiv.

Ayon kay Prigozhin, naglabas lamang ng mga gawa-gawang impormasyon ang Moscow para bigyan ng justification ang paglusob sa Ukraine.

Inaakusahan din ng Wagner ang mga opisyal ng Russia na sadya silang tinarget ng missile strike, kung saan marami ang naitalang nasawi.

Pero itinanggi ng mga otoridad ang protesta ng grupo at hiniling na ihinto ni Prigozhin ang umano’y mga iligal na pagkilos.

Nabatid na alam na ni Russia President Vladimir Putin ang sitwasyon at lahat ng kinakailangang hakbang ay ginagawa na sa kasalukuyan.

Ang Wagner Group ay isang paramilitar na organisasyon na nakikipaglaban kasama ng mga pwersa ng Moscow sa Ukraine.