-- Advertisements --

Nagsimula ng pag-aralan ng pamahalaan ang groundwater bilang pagkukunan ng freshwater sa gitna ng hamon dala ng climate change ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ipinunto ni DENR acting Sec. Jim Sampulna ang pangangailangan para matiyak na magkaroon ng sustainable na suplay ng malinis na tubig para maging sapat at upang matustusan ang pangangailangan ng dumaraming populasyon sa buong mundo.

Aniya, nasa 30% ng freshwater resources ay groundwater.

Isa aniyang crucial resources ang groundwater na kailangang mapangasiwaan at mabalanse sa pagitan ng extraction at pagpapahintulot para sa recovery at sustainable management ng aquifers para matagal na mapapakinabangan ito ng mga tao.

Ilan sa mga prospective locations para sa pagkukunan ng groundwater na pinag-aaralan ng National Water Resources Board (NWRB) ay ang Tagbilaran, Batangas, Cavite, Masbate, Laguna, at Bulacan.