Nagsagawa ng isang Heli bucket operations ang Philippine Air Force sa Sucat, Parañaque bilang dagdag na tulong sa pag-apula sa malaking apoy na sumiklab doon.
Ito ay may kaugnayan pa rin sa malaking apoy na lumagablab sa isang warehouse ng lumber at plywood sa Barangay San Antonio, Sucat, Parañaque City kung saan itinaas pa ng Bureau of Fire Protection sa Task Force Bravo ang naturang alert level sa nasabing lugar.
Isinagawa ang naturang sunud-sunod na operasyon sa pangunguna ng 505th search and rescue group ng Philippine Air Force gamit ang Super Huey ng naturang hukbo upang tumulong sa mga lokal na bumbero na supiliin ang apoy na kumalat sa mga patung-patong at ga-bundok na kahoy na produkto ng nasabing bodega.
Sanantala, kaugnay nito ay una nang binigyang-diin at tiniyak din ng Philippine Air Force na mananatiling nakatuon para tumulong ang kanilang buong hukbo para sa taumbayan.