NAGA CITY- Selos ang tinitingnang dahilan ng pagpapakamatay ng isang padre de pamilya sa Purok 2, Barangay Del Rosario, Mercedes Camarines Norte.

Kinilala ang biktima na si Rodel Nael, 37-anyos.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Camarines Norte Police Provincial Office, nabatid na aalukin sanang magkape ng isang Ervin Yago ang biktima ngunit nakita na lamang itong nakabitay na gamit ang isang nylon.

Napag-alaman na bago ang pangyayari, laging bukambibig ng biktima ang tila pagseselos nito sa asawa na nagtatrabaho bilang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Riyadh.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.

-- Advertisement --