GENERAL SANTOS CITY – Dumistanya si Sen. Manny Pacquiao sa usaping pagtakbo nito sa mas mataas na posisyon pagdating ng 2022 presidential elections.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ng senador na hindi pa nito pinagpa-planuhan ang kanyang susunod na hakbang sa pulitika kasabay ng pagtatapos ng kanyang termino sa Upper House sa 2022.

Ayon kay Pacquiao, ipagpapasa-Diyos na lang ang kapalaran sa susunod na halalan.

Sa ngayon umano, nais ng mambabatas na tutukan ang kanyang trabaho bilang mambabatas lalo na’t hindi pa rin tapos ang issue ng P8.7-bilyon na right of way scam sa Sarangani.

Nagpaabot naman ito ng pagbati sa kanyang mga kamag-anak na nalalo sa lokal na posisyon.