-- Advertisements --
Hindi ikinaila ni Buboy Fernandez ang posibilidad sa pagbabalik boxing ni Manny Pacquiao.
Nakatakda kasi ng magkaroon ng exhibition fight si Pacquiao laban kay South Korean YouTuber DK Yoo sa Disyembre.
Ayon sa personal trainer at kaibigan ng dating senador na si Fernandez na ang exhibition fight ng boxing champion ay senyales ng kaniyang pagbabalik.
Ipapaubaya na rin aniya nito sa dating senador ang pagpapasya kung ito ay babalik sa boxing ring.
Ang 43-anyos na si Pacquiao ay huling lumaban kay Yordenis Ugas noong Agosto 2021 subalit hindi ito nagtagumpay.