Gaganapin ang laban ng dalawa sa Disyembre 10 sa Korea International Exhibition Center.
Sa pagdating pa lamang sa paliparan ay sinalubong ito ng ilang mga Filipino na nandoon at maging ang mga Korean nationals ay nakipag-selfie pa sa dating senator.
Magugunitang noong nakaraang taon ay nagretiro na sa boxing si Pacquiao na mayroong record na 62 panalo, walong talo, dalawang draw at 39 knockouts.
Ang mapapanalunang premyo sa nasabing laban ay ibibigay ni Pacquiao sa charity.
Bukod pa sa laban ng dalawa ay mayroong ilang nakatakdang undercard na ito ay kinabibilangan ng laban ni Jose Luis Castillo Jr. kay Min Guk Ju; Nico Hernandez vs. Jae Young Kim; Min Wook Kim vs. Marcus Davidson; Abel Mendoza vs. Cristian Ruben Mino at Sean Garcia vs. Seung Ho Yang.










