Kahit man 40-anyos na si Manny Pacquiao, mas marami pa rin siyang pinakawalan na suntok kompara sa 29-anyos na si Adrien Broner.

Batay sa estadistika na inilabas ng Computer Box, nagpakawala si Pacman ng kabuuang 568 punches kung saan umabot sa 112 ang tumama sa puntirya kay Broner.

Nangangahulugan ito na 20 porsiyento na accuracy.

Samantalang si Broner ay may 295 punches na binitawan pero kakarampot na 50 lang ang tumama na katumbas ng 17 porsiyento.

Ibig daw sabihin nito kung susumahin, hindi lalampas sa walo lamang na suntok ni Broner sa bawat rounds ang tumama sa fighting senator.

Kung maaalala pagsapit ng 7th at 9th round, muntik pang mapatumba ni Pacquiao (61-7-2, 39 KOs) ang dating 4-time world division champion.