Mariing kinontra ni Sen. Manny Pacquiao ang direktiba ni Energy Sec. Alfonso Cusi sa mga miyembro ng PDP-Laban na magtipon tipon para sa national assembly sa katapusan ng buwan.
Si Pacquiao bilang presidente ng PDP ay naglabas ng memorandum na nag-aatas sa lahat ng mga miyembro ng partido na ‘wag sundin ang panawagan ni Cusi na magkaroon ng national assembly sa May 31.
Ito ay limang buwan bago naman ang filing of certificates of candidacy para sa 2022 national elections.
Ayon kay Pacquiao anumang pagtitipon para sa pagpupulong ng kanilang national council o kaya assembly ay dapat na aprubado ng kanilang chairman at presidente.
Ang chairman ng partido ay si Pangulong Rodrigo Duterte.
Una nang nagbanggaan sina Pacquiao at Cusi noong buwan ng Marso dahil sa pagsusulong ng ilang grupo sa LDP na patakbuhin bilang bise presidente ang Pangulong Duterte sa 2022 presidential elections.