Ibinahagi ni dating Filipino boxing champion Manny Pacquiao ang ilang mga potensiyal na mga laban niya.
Bukod kasi sa plano nito ng sumabak sa 2024 Paris Olympics ay may ilang mga pangalan na nais niyang makaharap.
Ayon sa 44-anyos na retired boxing champion na inaayos na ang exhibition fight niya kay boxing legend Floyd Mayweather Jr sa buwan ng Disyembre.
Itinuturing na ito ang rematch niya matapos ang walong taon na ang laban ay tinagurian bilang “Fight of the Century”.
Target din nito na makaharap si Gervonta “Tank” Davis na mayroong 29 panalo at walang talo at 27 knockouts.
Dagdag pa nito na isang magaling na boksingero si Davis at kung pumayag itong umakyat ng 147 pounds ay handa niya itong makalaban.
Iginiit ni Pacquiao na aktibo pa rin ito kaya tuloy-tuloy ang kaniyang ginagawang ensayo.