-- Advertisements --

Hindi na napigilan ni eight division world boxing champion at Sen. Manny Pacquiao ang kaniyang sarili na hamunin sa laban ang mga gumagawa ng hate crimes sa America, kontra sa mga Asian na nakatira na sa naturang bansa.

Sa kaniyang post, sinabi ni Pacquiao na siya na lang daw ang labanan ng mga nananakit ng Asyano.

Tinawag pa nitong duwag ang mga umaatake sa mga walang kamalay-malay na matatanda, babae at bata.

Sa kaniyang post, makikita bilang background ang ilang Asyano na naging biktima ng pambubugbog.

Isinalin pa ang statement sa English, Filipino, Chine at Korean.

Mabilis namang umani ng suporta ang post ng Pinoy boxing icon, kung saan libu-libo na agad ang comments, likes at share sa loob lamang ng ilang minuto, makaraang mai-publish ito.

Maging ang isa sa malapit kay Pacquiao na Filipino sports writer ay minsan na ring naging biktima ng pangha-harass habang nasa pampublikong sasakyan.