-- Advertisements --

Inaprubahan ng House ways and means ang Package 3 ng Comprehensive Tax Reform Package ng Duterte administration.

Ito ay matapos na ayon kay Albay Rep. Joey Salceda na aprubahan ng kanyang komite ang committee report ng House Bill 305.

Target ng panukalang ito na magsingit ng reporma sa real property valuation at ma-reorganize ang Bureau of Local Government Finance (BLGF).

Hangad ng panukalang ito na mapaglaanan ng P58 million na pondo para sa establishment ng Real Property Valuation Service sa ilalim ng Bureau of Local Government Finance para sa taong 2020.

Ayon kay Salceda, inaasahan na aabot sa P1 billion ang kikitain ng gobyerno kapag naisabatas ang Package 3.

Salig sa Local Government Code of 1991, sinabi ng kongresista na layon ng panukalang ito na mabigyan ng kapangyarihan ang mga LGU na gumawa ng sariling pagkukunan ng kita at buwis.