-- Advertisements --

Tinapatan ng Phoenix Suns ang pagtatangka ng Indiana Pacers na alukin ng 4-year, $133 million offer sheet ang center na si Deandre Ayton.

Sinasabing ang alok ng Pacers ang itinuturing na pinakamalaki na offer sheet sa kasaysayan ng NBA.

Pero mabilis namang sinagot ito ng Suns na nagbigay daan para makabalik muli sa franchise ang restricted free agent na si Ayton.

Una rito, nagmatigas ang Phoenix at hindi nagpakita ng anumang indikasyon para sa negosasyon at magkaroon ng sign-and-trade agreement bago ang alok ng Indiana para sa offer sheet.

Kung sakaling nabigo ang Suns na tapatan ang inilatag na malaking pera ng Pacers ay nawalan sana sila ng dating No. 1 overall pick noong 2018 sa NBA draft.

Kung maalala naging napakahalaga ng ginampanan ni Ayton sa Phoenix defense nang umabot sila sa 2021 NBA Finals sa unang pagkakataon mula noong taong 1993.

Nitong nakalipas naman na season naging outstanding din ang performance ni Ayton sa regular season hanggang sa minalas siya at magkaroon ng injury sa kasagsagan ng Western Conference semifinals kontra sa Mavs.