Desidido ang New York Knicks at Indiana Pacers na tapusin na nila ang serye sa first round Eastern Conference Playoffs.
Ito ay matapos hawak ng Pacers ang 3-2 na bentahe laban sa Milwaukee Bucks ganun din ang Knicks laban sa Philadelphia 76ers.
Hindi naman nagpapatinag si Sixers coach Nick Nurse na matatapos na ng Knicks ang laban dahil homecourt ng Philadelphia gaganapin ang Game 6.
Naniniwala ito sa kaniyang manlalaro kung saan umabot pa sa overtime noong Game 5 para makuha nila ang panalo sa home court ng Knicks.
May adjustments din Knicks na bukod sa pag-double team kay Sixers star Joel Embiid ay magiging handa ang mga New York players sa pamamagitan nina OG Anunoby, Josh Hart at Jalen Brunson.
Sasamantalahin naman ng Indiana Pacers ang kanilang home court advantage laban sa Bucks kung saan hindi na nila hahayaan ang nangyari noong Game 5 na tinambakan sila ng Milwaukee 115-92.
Isa sa mga susi ngayong Pacers ay ang power forward nila na si Pascal Siakam na may average na 23 points, 9.2 rebounds at 4.2 assists at katulungan nito si Myles Turner na mayroong average na 22 points, 7.6 rebounds, 3.2 assists at 1.2 blocks.
Hindi naman nababahala ang Bucks kahit kuwestiyonable sa Game 6 na maglaro sina Damian Lillard na may Achilles injury at Giannis Antetokounmpo na may calf injury dahil may ilang manlalaro sila na ipapalit.
Ito ay sa pamamagitan nina Bobby Portis at center Brook Lopez.