-- Advertisements --

Inakusahan ng Ukraine ang Russia ng paghulog ng bomba sa isang paaralan sa Luhansk region.

Ayon kay Serhiy Hayday, ang namumuno ng Luhansk region military administration na ang paaralan sa Bilohorivka village ay doon nagtatago ang nasa 90 katao.

Umabot na rin aniya sa 30 mga katao ang kanilang nailigtas mula sa nasabing gumuhong gusali.

Nagpapatuloy pa rin aniya ang ginagawa nilang rescue operations sa nasabing lugar.