-- Advertisements --

ILOILO CITY-Tinuturing na isang malaking karangalan ng Department of Education Western Visayas na mapabilang ang isang public school sa Iloilo sa listahan ng World’s Best School Prize for Supporting Healthy Lives.

Ito ay ang Malitbog National High School sa bayan ng Calinog, Iloilo na nag-iisang public school sa Pilippinas na napili bilang isa sa mga finalists.

Ang World’s Best School Prize ay inilunsad ngayong 2022 ng T4 Education, isang global education organization.

Ayon sa World’s Best School Prize, napili ang Malitbog National High School dahil sa pagpatupad nito ng “Happy and Healthy School Program” (HHS) sa panahon ng pandemya nag naglalayon na i- promote ang physical, mental, at social health sa mga estudyante nito.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Dr. Jesus Insilada , principal ng nasabing paaralan, sinabi nito na ang nasabing pagkilala ay isang patunay ng kanilang pinapakitang dedikasyon sa trabaho at pagpapahalaga sa kalusugan ng kanilang estudyante.

Napag-alaman na nakaliko ng P2 million na pondo ang nasabing paaralan para sa pagpapatupad ng kanilang programa at kampanya na maipagpatuloy ang edukasyon ng kanilang estudyante sa gitna ng kinakaharap na pandemya.

Ang mananalo sa World’s Best School Prize na iaanunisyo sa Oktubre ay makakatanggap ng $50,000 o nasa P2.6 million.