Bumili ang Philippine National Police (PNP) ng mga bagong baril at sasakyan sa hangaring pagbutihin pa ang kanilang operational capability.
Sinabi ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. na gumastos sila ng P969 milyon para sa mga baril, sasakyan at kagamitan sa opisina.
Ang pondo ay mula sa natitira sa budget ng pulisya para sa Capability Enhancement Programs para sa taong 2015, 2018, 2019, 2020 at mula sa 2021 na badyet.
Ang mga nabili ay 10 units na 4×2 patrol jeep; 36 units 4×4 personnel carrier; 8,358 units 9mm striker-fired pistol; 8,500 units 5.56mm basic assault rifles; 34 na yunit ng 7.62mm light machine gun; 4,900 units 5.56mm basic assault rifles; 884 na mga yunit ng tablet computer; at 2,005 units ng enhance combat helmets.
Dagdag pa ni Azurin na ang mga bagong sasakyan at tablet computer ay ipapamahagi sa iba’t ibang municipal police stations sa buong bansa, habang ang mga baril ay ibibigay sa mga PNP recruits, PNPA cadets, PNP Maritime Group at Regional Mobile forces at battalion.