NAGA CITY-Kinakalkulang aabot sa 800,000 Pesos ang iniwang pinsala ng sunod sa Purok Damayan 1, Brgy. Ibabang Iyam, Lucena City.
Kinilala ang mga nasunugan na sina alyas Christine, 40-anyos; alyas Jaypee, 35-anyos; at alyas Jeannette, 53-anyos lahat residente ng nabanggit na lugar.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na bandang alas-9:15 ng umaga nang sumiklab ang apoy na galing sa bahay ni Jaypee.
Bago pa ito may naamoy na aniya na nasusunog na electrical wire si Christine galing sa bahay ni Jaypee kung saan nakita na lang nito na bigla na lang may sunog.
Nang magsimula na ang sunog sa bahay ni Jaypee dito na nadamay ang mga katabing bahay.
Nai-deklara naman ang fire out bandang alas-10:05 ng umaga ng kaparehas na araw.
Kinakalkulang aabot sa humigit-kumulang 200,000 pesos ang halaga ng kagamitan na natupok ng sunog sa bahay ni Christine habang nasa humigit-kumulang 300,000 pesos naman ang halaga ng nasunog na kagamitan sa bahay ni Jaypee, kaparehas ng halaga ng pinsala sa bahay ni Jeanette.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon tungkol sa nabanggit na insidente.