CEBU CITY – Umabot sa P8-milyon na halaga ng iligal na droga ang nasabat sa isinagawang police operation sa lungsod ng Danao, Cebu.

Sa isinagawang Oplan Limpyo Danao na isinagawa ng Danao Police station, natagpuan ang isang marijuana plantation sa Barangay Langusig.

Ayon kay Lt. Col. Maryvil Getigan, hepe ng Danao PNP, aabot sa P4 million ang halaga ng mga nabunot nilang mga tinanim na marijuana.

Ayon kay Getigan na nakatanggap umano sila ng report tungkol sa malawak na marijuna plantation sa nasabing lugar.

Samantala , nasa P4.2 million na halaga ng pinaghihinalaang shabu naman ang nasabat mula sa isang habal-habal driver sa Brgy. Guinacot sa nasabing lungsod.

Ang subject ng buy bust operation ay kinilalang si Noel Capuyan.

Patuloy pang inaalam ng PNP kung sino ang supplier nito ng iligal na droga.