-- Advertisements --

Inaprubahan na ng Pangulong Bongbong Marcos Jr na tumatayong chairman ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board, ang P8 billion halaga na proyekto ng University of the Philippines (UP)-Philippine General Hospital (PGH) Cancer Center (PPP) project na naglalayong i-modernize ang health infrastructure ng bansa na nakatutok sa pagbibigay ng oncology services at cancer care.

Pinangunahan naman ni Pang. Marcos ang 3rd National Economic Development Authority Board meeting na ginanap sa Malacañang.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Velicaria – Garafil ang nasabing proyekto ang kauna-uanahang Public Private Partnership project sa ilalim ng Marcos administration.

Ayon sa kalihim, nasa anim na bilyong piso ang halaga ng nasabing ospital, na nay 300-bed capacity at 150 beds para sa private area.

Nasa 15 hanggang 20 ang palapag ng hospital.

Ang Cancer Center na ito ay mayroong lawak na 3,000 square meters, at matatagpuan sa loob ng UP-PGH campus sa Maynila.

Layon ng programang ito na ma-established ang cancer hospital ng UP-PGH na inaasahang magbibigay ng komprehensibo, high- quality, at abot-kayang oncology services, na magpapa-igting rin sa pangkabuuang health service quality at capacity ng bansa para sa cancer care.

Magkakaroon ng public bidding para dito, at ipatutupad sa ilalim ng Build-Operate-Transfer approach.

Ayon kay Garafil isa itong kasunduan na nagga-garantiya ng concession sa isang private partner para pondohan, makapagtayo, at mag-operate ng proyekto sa loob ng itinakdang panahon.