-- Advertisements --
ILOILO CITY – Isinailalim sa Thermal destruction ang P8.8 Million na halaga ng illegal drugs na nakuha sa drug operations sa buong Western Visayas.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Philippine Drug Enforcement Agency 6 Director Alex Tablate, sinabi nito na maliban sa illegal drugs, isinailalim rin sa thermal destruction ang mga expired na gamot galing sa pharmaceuticals at hospital.
Ayon kay Tablate, ang P7.2 Million na halaga ng illegal drugs ay iprenisenta sa korte samantalang ang P1.5 Million na halaga ng expired na gamot ay galing sa pharmaceuticals.
Ang thermal destruction ayon kag Tablate ay pinahihintulutan ng Department of Environment and Natural Resources upang hindi na magamit ang illegal drugs.