Arestado ng PNP at PDEA Bohol Provincial Office ang dalawang indibidwal matapos masabat ang P3.4 million pesos na halaga ng shabu sa isinagawang buybust operation sa Purok 5, Barangay Laya, Baclayon, Bohol kahapon, Disyembre 21.
Nakumpiska mula sa mga suspek na kinilalang sina Enrique Calamba Loreniana, alias Erik, 28 anyos, at Mario Avenido Loquellano Jr., 28 anyos ang dalawang pakete ng hinihinalang shabu na tumimbang sa humigit-kumulang 500 gramo, at ang buy-bust money.
Samantala, 3 katao naman ang arestado sa dalawang magkahiwalay na operasyon nitong lungsod ng Cebu kung saan isang kinilalang Carlito Ablay, 44 anyos ang nakunan ng P3.4 million pesos na halaga ng druga sa isinagawang operasyon sa Brgy. San Roque.
Habang umabot naman sa P1.7 million pesos na halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga otoridad sa Sitio Avocado Brgy. Mambaling nitong lungsod mula sa dalawang suspek na sina Reymart Ponsica, 23 anyos at Robert Dayday Esco, 23 anyos.
Nahaharap ngayon ang mga suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of