-- Advertisements --
image 363

Tinatayang aabot sa P7 billion ang halaga ng coral reefs, bakawan at pangisdaan ang apektado ng oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress sa Oriental Mindoro ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Inihayag ni DENR Secretary Ma. Antonia Yulo-Loyzaga na ang kailangan ng ahensiya na iberipika pa ang posibleng pinsala ng oil spill sa ground.

Patuloy din aniya ang pagtagas ng langis mula sa lumubog na motor tanker dahil hindi pa natatapalan ang dalawang butas na pinanggagalingan oil spill.

Sinabi din ng kalihim na nakipagpulong ito kasama ang shipowners associations para talakayin ang ilang gaps sa polisiya at batas upang sa gayon ay mapigilang maulit ang panibagong oil spill sa hinaharap.

Kabilang dito ang mga sangkot na ahensiya na nagpahintulot, polisiya sa pag-accredit ng barko gayundin ang corporate at iba pang interes.

Pinaplano din ng ahensiya na lumikha ng technical working group sa pagbabago sa polisiya na hindi lamang para mapigilan kundi matugunan ang ganitong isyu.