-- Advertisements --

Aabot sa P76.42 billion halaga ng bagong capital ang naliklom ng pamahalaan mula sa Real Estate Investment Trusts (REITs) sa Pilipinas.

Ayon sa Department of Finance (DOF), ito ay matapos na ayusin ng Duterte administration ang mga butas sa regulatory framework ng naturang financial instrument 21 buwan na ang nakalilipas.

Base sa report ng Securities and Exchange Commission (SEC) kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, sinabi ng DOF na ang total size o market capitalization ng REITs ay pumalo sa $3.46 billion o katumbas ng 0.96 percent ng gross domestic product ng Pilipinas na umaabot sa $362.24 billion hanggang noong third quarter ng 2021.

Kaya naman ang bansa ngayon ay pasok sa 12 selected economie sa South at East asia regions ng European Public Real Estate Association (EPRA) Index.

Naungusan pa nga ng dalawang-taon na REIT sector ng Pilipinas ang Taiwan, South Korea, India, Indonesia, at China, ayon sa DOF.

Kaya naman sinabi ni Dominguez na ang matagumpay na initial public offerings (IPOs) ng REITs sa ilalim ng Duterte administration ay nakatulong para magkaroon ng vote of confidence sa kakayagan ng bansa patungo sa solid recovery sa kabila ng kalbaryong idinulot ng COVID-19 pandemic.

Base sa datos ng SEC hanggang noong Nobyembre 15, 2021, ang Robinsons Land Commercial REIT (RCR) ang siyang nakalikom ng pinakamalaking halaga na aabot sa P21.56 billion na fresh capital mula sa IPO nito.