Maglalaan ang Department of Education (DepEd) ng P700 million para sa internet service sa mahigit 7,000 paaralan sa bansa, base sa ulat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso.
Ito ay paghahanda na rin aniya ng DepEd para sa blended o online learning system sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Base sa ika-14 na weekly report ni Duterte sa Kongreso, inaasikaso na ng DepEd ang procurement ng internet connection sa 7,000 paaralan para madagdagan ang kabuuang bilang ng mga pampublikong paaralan na may internet access.
Target na matapos ang proyektong ito sa loob ng 10 buwan.
Sa ngayon, patuloy ang ginagawang paghahanda ng DepEd para sa blended learning, o kombinasyon ng online distance learning at in-person delivery ng learning materials sa bahay ng mga mag-aaral, para sa pasukan sa darating na Agosto 24.