-- Advertisements --
FB IMG 1602406963061

Papalo sa P70 million ang halaga ng mga peke at iligal na sigarilyo na sinira ng Bureau of Customs (BoC) sa pamamagitan ng Manila International Container Port (MICP).

Nakasilid ang mga kontrabando sa dalawang 40 feet container ban.

Ang condemnation ay sinaksihan at ng composite team na kinabibilangan ng mga opisyal ng MICP Customs Intelligence at Investigation Service (CIIS), Enforcement and Security Service (ESS) at Auction and Cargo Disposal Division (ACDD).

Isinagawa naman ang condemnation ng GREENLEAF Waste Disposal Facility na matatagpuan sa Porac Pampanga.

Ang mga sigarilyo ay pinulbos para siguruhing hindi na ito magagamit pa.

Sinira ang mga kontrabando dahil sa paglabag sa Section 117 na may kaugnayan sa Section 1113 ng Republic Act (RA) No. 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), maging ang ilang guidelines ng National Tobacco Administration (NTA) at Bureau of Internal Revenue (BIR) regulations.