Papalo sa P70 million ang halaga ng mga illegal goods ang naharang ng Bureau of Customs (BoC) sa pamamagitan ng Manila International Container Port (MICP) sa Quirino Avenue, Tambo, Paranaque City.

Kabilang dito ang pagkakadiskubre ng Chinese cigarettes, Chinese medicines, ipinagbabawal na surgical mask, foodstuff, footwear, garments at iba pang imported goods.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon at inventory sa mga nasabat na kontrabando para sa case build up at paghahain ng mga reklamo.

Ang pagkakasabat ng mga kontrabando ay dahil na rin sa pakikipag-ugnayan ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ng BoC sa Enforcement and Security Service (ESS), Philippine Coast Guard (PCG) at National Bureau of Investigation (NBI).