CEBU CITY – Arestado ang apat katao matapos makuhanan ng mahigit P7 million halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng Talisay PNP sa lungsod ng Cebu at Talisay.

Huli sa naturang operasyon ang tinaguriang high value target at big time drug dealer na si Arnel Salapa Estor, 34, at residente sa Sitio Puntod, Brgy. Mambaling.

Ayon sa hepe ng Labangon Police Station na si Major Henrix Bancoleta, isinailaim nila sa surveillance ang nasabing subject sa loob ng isang linggo.

Sa kanilang pag-aresto kay Estor, nakakuha sila ng isang kilong shabu, cellphone, at P1,000 marked money.

Samantala, sa kulungan din ang bagsak ng tatlong iba pa na naaresto naman sa Barangay Lihan 3, sa lungsod ng Talisay.

Nakuhanan ang mga ito naman ng libu-libong halaga ng shabu.

Kinilala ang nahuli na si Isidro Petiluna, pati ang asawa nito na si Maria Empacis, at pinaniniwalaang cohort na si Michael Dave Batarilan.

Sa kabuuan umabot sa P136,000 ang DDB value ng nasabing shabu.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga nahuli