LILOAN, CEBU – Sa kulungan ang bagsak ng isang high value individual matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation kagabi Enero, 13, sa Brgy. Tayud bayan ng Liloan Cebu kung saan nasabat ang higit isang kilo ng hinihinalang shabu.
Kinilala ang naaresto na si Rafael Carnicel alyas Raprap, 21 anyos at residente ng Brgy. Pasil ntong lungsod ng Cebu.
Nakumpiska mula sa posisyon ni Carnicel ang 1,050 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P7.1 million pesos.
Ayon kay Acting Provincial Director PCol Rommel Ochave, isinailalim sa surveillance ang suspek matapos makatanggap sila ng ulat kaugnay sa mga transaksyon nito sa ilegal na droga.
Makapagdispose pa umano ito ng droga sa Bogo City, Consolacion, Liloan, Cebu City, Minglanilla, at Talisay City.
Sinabi pa ni Ochave na may ibinigay na pangalan ang suspek kung saan nanggaling ang drogang nakumpiska ngunit patuloy pa ang kanilang isinagawang imbestigasyon at validation.
Nahaharap ngayon ang naarestong suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Samantala, nangako naman si Ochave na hindi sila titigil at patuloy pa rin ang kanilang mga operasyon laban sa ilegal na droga kahit pa man idineploy sa Sinulog ang 600 tauhan nito.