-- Advertisements --

Naglabas ng P6-billion pondo ang Department of Budget and Management (DBM) na gagamitin ng Philippine Fisheries Development Authority (PFDA) na layong palakasin ang fish port sa bansa.

Ang nasabing pondo ay magsisilbing subsidiya ng National Government (NG) para sa fiscal year 2024 para magpatupad ng Fisheries Infrastructure Development Program Authority.

Sa ilalim ng nasabing programa, P1.1 billion ang gagamitin para sa construction, rehabilitation, at improvement ng fish ports at iba pang fishery post-harvest facilities sa bansa.

Inihayag ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na ang maayos na pangangalaga sa mga fish port ay magdadala ng malaking pakinabang sa kabuhayan ng mga mangingisda at sa kaunlaran ng komunidad.

Batay sa datos ng World Bank, ang fisheries sector ay nag-aambag ng 1.2% sa gross domestic product ng Pilipinas at dito rin nagmula ang 1.6 million na trabaho o 4% ng kabuuang labor force.